Pagbibigay ng emergency powers kay Pres. Duterte, binabalangkas na

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 11422

TRAFFIC-01
Nagbabalangkas na ng panukala ang incoming administration upang hilingin sa kongreso ang pagbibigay ng emergency powers kay President Elect Rodrigo Duterte upang maresolba ang traffic congestion sa Metro Manila.

Kabilang dito ang pagbubukas ng mga private subdivision para maging alternatibong ruta, direct contract para sa public bidding sa transportation related projects at pagaalis ng mga public market at transport terminal sa highway.

“Meron ng craft na pinag-aaralan ang grupo sa legal at judiciary hopefull when it is done. When congress is done we will present our draft.”
Pahayag ni Incoming DOTC Secretary Arthur Tugade.

Ayon kay incoming Department of Transportation and Communications o DOTC Secretary Arthur Tugade mahalagang maresolba sa lalong madaling panahon ang problema sa trapiko.

Dahil ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA, umaabot sa P2.4 billion pesos ang nalulugi sa bansa bawat araw dahil sa problema sa trapiko.

(UNTV RADIO)

Tags: ,