Pagbibigay ng cash assistance sa mga manggagawa sa Boracay, hindi itinigil – DSWD

by Radyo La Verdad | May 7, 2018 (Monday) | 3929


Pinabulaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang napapabalitang kulang sa pondo ang ahensiya para mga apektado ng Boracay rehabilitation.

Ito’y matapos makatanggap ng ulat ang DSWD na kumakalat ang isyu ng umano’y pansamantalang pagpapatigil nila sa pamimigay ng pamasahe sa mga umuuwing manggagawa.

Ayon sa DSWD, lumipat lamang sila ng operation center dahil hindi kayang i-accommodate ng una nilang venue sa dami ng mga humihingi ng tulong.

Mula sa unang venue sa Boracay Tropics sa Station 2 ay inilipat ito sa Faith Village sa Station 3.

Sapat umano ang pondo para sa lahat ng mga workers at residents. Sa 524 milyon na budget ng DSWD para sa mga apektado ng rehabilitasyon ng Boracay Island.

P77 million ang mapupunta sa cash for work kung saan makakatanggap ng P323.50 kada araw ang bawat manggagawa. P280 million naman ang para sa sustainable livelihood program.

Bukod dito, may 1.7 billion din na regular fund ang Aklan ngayong taon para sa mga existing program gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), Social Pension for Senior Citizen, Supplementary Feeding Program at Livelihood Projects.

Lahat naman ng mga uuwing mga manggagawa ay ire-refer ng DSWD sa kani-kanilang regional offices upang makakuhal ng mga basic services maliban sa cash for work.

Tuloy-tuloy din anila ang pagbibigay ng DWSD ng disaster assistance family access card upang mabigyan ng karampatang tulong ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga apektadong pamilya.

Ito ang opisyal na basehan upang malaman kung anu-anong assistance ang kanilang natanggap.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,