Pagbebenta at pagpapalaganap ng Dengvaxia vaccine, ipinatigil na ng FDA

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 2602

Ipinag-utos na ng Food and Drug Administration sa Sanofi Pasteur ang pagtatanggal sa merkado ng Dengvaxia vaccine.

Batay sa inilabas na advisory ng FDA, inatasan nito ang naturang pharmaceutical company na itigil na ang pagbebenta at pagpapalaganap  sa merkado ng naturang bakuna habang nagsasagawa ng pagsisiyasat dito.

Dapat rin na magsagawa ng information dissemination campaign ang Sanofi sa pamamagitan ng advisories, letters to doctors at patient fora.

Hinihikayat rin ng FDA ang publiko na ipag-bigay alam agad sa Department of Health ang anumang insidente o pangyayari na posibleng naging epekto ng pagpapabakuna ng Dengvaxia.

Tags: , ,