Pagbawi sa Marawi, nagtatagal dahil sa clearing operation sa mga lugar na nakubkob na ng militar

by Radyo La Verdad | October 4, 2017 (Wednesday) | 1858

Hindi lamang paghabol at pakikipagbakbakan sa teroristang Maute ang trabaho ng militar sa Marawi City.

Ayon kay AFP PAO Chief Col. Edgard Arevalo, nagsasagawa din sila ng clearing operations upang matiyak na malinis  na mula sa mga bomba ang mga lugar na nabawi nang military.

Maging ang mga tulay at kalsada ay kasama rin aniya sa kini-clear ng mga tropa ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Arevalo na nais nilang matiyak na ligtas ang lugar para naman sa kanilang mga kasamahan na nagsasagawa ng  rehabilitasyon sa lugar.

Kabilang sa mga lugar na nabawi na ng militar ay ang  Grand at White Mosque na matagal na pinagkutaan ng Maute at ginamit din bilang kulungan ng mga bihag.

Ganon din ang Bato Mosque na ginawa namang arsenal at bomb making factory. Dito ina-assemble  ng mga terorista ang kanilang mga improvised explosive device.

Samantala, 17 hostages pa ang na rescue ng militar na kinabibilangan ng 9 na lalaki at 8 babae na may edad mula 18-75 taong gulang.

 

 

 

Tags: ,