Pagbawi sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao, malabo pang irekomenda ng AFP sa Pangulo

by Radyo La Verdad | October 18, 2017 (Wednesday) | 4160

Malabo pang irekomenda ng Armed Forces of the Philippines ang pagbawi sa martial law sa Mindanao.

Sa panayam kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla Jr. sa programang Get it Straight with Daniel Razon kanina, sinabi nito na nais ng militar na ipatupad ang batas militar hanggang sa nakatakda nitong deadline sa Disyembre.

Ayon kay Padilla, pagkatapos ng krisis sa Marawi, sunod namang pagtutuunan ng pansin ng AFP ang pagsira sa buong network ng mga terorista na nasa bansa.

Aniya, isa ito sa magiging senyales sa pagbawi sa implementasyon ng martial law.

 

 

Tags: , ,