Naghain ng joint omnibus motion ang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Group upang hilingin sa Department of Justice na baliktarin ang resolusyon na nagdismiss sa drugs case ni Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino.
Sa resolusyon inilabas ng DOJ noong nakaraang linggo, dinismiss ang mga reklamo laban kina Marcelino dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Ngunit iginiit ng PDEA at PNP-AIDG sa kanilang mosyon na kontrolado nina Marcelino ang town house na ginawang shabu laboratory kaya’t may probable cause o sapat na basehan upang kasuhan sila sa korte.
Nagsumite rin ng karagdagang ebidensiya ang mga otoridad laban kay Marcelino.
(Roderic Mendoza/UNTV Radio)
Tags: joint omnibus motion, Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino