Pagbawi ng Canada sa mga Basura nito sa Pilipinas, Maaantala ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | May 16, 2019 (Thursday) | 6934

MALACAÑANG, Philippines – Inihayag ng Malacañang na maaantala ang pagbawi ng Canada sa basura nitong napadpad sa Pilipinas.

Kahapon, mayo a-kinse ang deadline na unang binigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Canadian government upang kunin ang waste containers na napunta sa bansa.

Subalit ayon kay Presidential Spokeperson Salvador Panelo, ang bunga ng delay ay dahil sa processing ng mga dokumento kaugnay ng naturang mga basura.

Pinahintulutan naman ito ng gobyerno ayon kay Panelo dahil ang importante aniya ay prinoproseso na ang pagkuha ng waste containers.

“Well according to the DFA, there might be a slight delay, because there’s still processing, documents are being prepared so, it might take a little delay,” dagdag pa ni Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,