Pagbawas muli sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila, paguusapan ng NWRB sa lunes

by Radyo La Verdad | September 25, 2015 (Friday) | 2061

rey_water2
May posibilidad na humaba pa ang oras ng scheduled water interuption ng Maynilad sa mga customer nito kapag binawasan pa ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Sa ngayon ay nasa 189.60 meters ang water level sa Angat dam o kulang ng 20 metro para sa kinakailangang nitong reserba ng tubig.

Ayon sa National Water Resources Board o NWRB, paguusapan sa lunes kung muling magbabawas ng alokasyon ng tubig na nagmumula sa Angat dam sa Metro Manila.

Sa ngayon ay nasa 38 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Ayon Maynilad, aabot na sa 58% sa mga customer nito ang maaapektuhan ng water interruption kung bababa sa 36cms ang alokasyon.

Kung hindi naman mababawasan ang alokasyon ay posibleng humaba ang water interruption na aabot sa 20 oras lalo na sa mga matataas na lugar.

Nagsasagawa naman ng weekly calibration ang Manila water at kung lalala ang situwasyon ay maaaring humaba ang oras ng water pressure reduction o kaya’y magpatupad narin ito ng water interruption.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)

Tags: ,