Pagbasura sa ₱1.05-B ill-gotten wealth case vs Marcos Sr., Imelda pinagtibay ng SC

by Radyo La Verdad | July 20, 2023 (Thursday) | 3175

METRO MANILA – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Sandigan Bayan na nagdi-dismiss sa kaso ng umano’y ill-gotten wealth, laban kay dating pangulong Ferdinand Marcos Senior, dating first lady Imelda Marcos, at umano’y kanilang mga cronies.

Ito ay matapos ibasura ng kataastaasang hukuman, ang petisyon na naglalayong baligtarin ang desisyon ng Sandigan Bayan.

Ayon sa SC, kulang ang ipinresentang  ebidensiya ng petitioner, upang idiin ang mga inakusahan sa kaso.

Ang kaso ay inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noon pang 1987.

Layon ng kaso na kumpiskahan ang lahat ng ari-ariang hawak ng mga respondents, na umano’y illigal nilang nakuha at para pagbayarin sila ng pagsira na nagkakahalaga ng P1.05 -B.

Tags: ,