Pagbasa ng sakdal kay dating Pangulong Aquino, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | February 16, 2018 (Friday) | 77698

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment o pagbasa ng sakdal kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa Mamasapano incident.

Ito’y matapos maglabas ng temporary restraining order noong February 9 si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na chairman ng First Division ng Supreme Court.

Ang inilabas na TRO ay bilang tugon sa apela ng Volunteer’s Against Crime and Corruption sa desisyon ng Ombudsman na kasuhan lamang si Aquino ng graft at usurpation of authority sa halip na reckless imprudence resulting to homicide.

Bukod dito, inatasan din ng SC ang Ombudsman na huwag munang ituloy ang kasong isinampa laban kina Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas.

Suportado rin ni Solicitor General Jose Calida ang petisyon ng VACC at sinabing dapat makasuhan ng criminal negligence si Aquino dahil sa pagkamatay ng 44 na tauhan ng PNP-SAF sa Mamasapano incident.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,