Pagbangon ng Marawi mas malaking hamon para sa Armed Forces of the Philippines

by Radyo La Verdad | July 18, 2017 (Tuesday) | 5781


Pangungunahan ng Armed Forces of the Philippines ang rehabilitation at recovery ng Marawi city.

Ito ang itinuturing na malaking hamon sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Ayon kay AFP PAO Chief Col. Edgard Arevalo, maraming establisyimento, bahay at gusali ang nasira ng bakbakan na kinakailangang ayusin.

Kaya naman ngayon pa lamang ay nakahanda na ang Combat Engineering Battalion ng Phililippine Army.

Maging ang mga barko ng Philippine Navy na siyang magdadala ng mga heavy equipment na gagamitin sa pagsasaayos ng Marawi.

Sa ngayon aniya ay ilang bahagi na lamang ng apat na barangay sa Marawi ang kini-clear ng mga sundalo at nasa 60-70 terorista na lamang ang kanilang hinahabol.

Kaya naman umaasa silang matatapos ito bago ang SONA ng pangulo upang maumpisahan na ang pagbangon ng Marawi.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,