Pagbagsak ng farm gate price ng manok, pansamantala lamang – Dept. of Agriculture

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 3610
File photo
File photo

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na artificial o pansamantala lamang ang mababang farm gate price ng manok.

Sinabi ni DA Undersecretary Jose Reaño na bumaba ang presyo sa mga poultry farm dahil sa oversupply bunsod ng pagkakasabay-sabay na pag-harvest ng mga poultry owner.

Bunga nito naapektuhan ng mababang presyo ang kita ng mga poultry grower na halos hindi na mabawi ang kanilang ipinuhunan.

Ayon kay Reaño, pupulungin na ng DA ang mga nag-aalaga ng manok sa Lunes para balangkasin ang plano kung paano maiaahon ang poultry industry.

Kaya’t panawagan ngayong ng DA sa mga nagtitinda sa palengke na ibaba ang presyo ng kada kilo ng manok. Sa kasalukuyan, ang suggested retail price ng manok na dapat ibenta sa pamilihan ay nasa P100.00 sanhi ng pagbagsak ng farm gate price ng manok.

Tags: , , ,