Pagbabawal sa political dynasties, inaprubahan na ng consultative committee

by Radyo La Verdad | March 15, 2018 (Thursday) | 2999

Naisapinal na ng consultative committee ang panukalang probisyon na magbabawal sa mga political dynasties. Sa ilalim nito, bawal nang tumakbo sa kaparehong pwesto ang malapit na kaanak ng nakaupong opisyal ng gobyerno; gaya ng magulang, kapatid, anak, apo, lolo at lola.

Kung sabay na tatakbo ang magkakamag-anak, limitado na sila sa dalawang pwesto, isa sa national at isa sa regional at local level.

Unanimous ang botohan ng komite tungkol dito, kahit pa ang iba sa kanila ay galing din sa pamilya ng mga pulitiko.

Tagumpay nang itinuturing na nabuo ang probisyon sa laban sa political dynasty dahil sa loob ng mahigit tatlong dekada ay hindi naipasa sa Kongreso.

Ayon kay retired Chief Justice Reynato Puno, napakahalaga na magkaroon muna ng ganitong probisyon bago lumipat ang bansa sa sistemang pederalismo.

Ang problema na lang ay kung ito papasa ng Kongreso gayong karamihan ng mambabatas ay galing din mismo sa pamilya ng mga pulitiko.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,