Pagbabawal sa pagpapakasal sa mga menor de edad, ipatutupad na

by Radyo La Verdad | December 8, 2022 (Thursday) | 1028

METRO MANILA – Hindi na maaaring ipakasal ang sinomang nasa edad 18 years old pababa anoman ang relihiyon, kultura at tradisyon sa bansa.

Ito ay matapos pirmahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11596 o ang batas na nagbabawal sa child marriage sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera-Dy, sa ilalim ba batas maging ang mga Muslim community at indigenous people na itinuturing na tradisyon ang pagkakasal sa menor de edad ay hindi narin pahihintulutan.

Aniya, kasama rin dito ang mga tinatawag na “considered as children” o ang mga wala sa tamang kaisipan kahit pa lagpas sa 18 years old.

Sa kabila nito, maituturing parin na sensitibo ang usaping child marriage lalo na sa Moro community at indigenous people na bahagi na ng kanilang tradisyon at kultura.

Gaya nalang ng Bangsamoro Youth Advocate na si Juanday Esmael na naniniwalang hindi na kailangan pang i-practice ang child marriage.

Ayon kay Commissioner allen capuyan ng national commission on indigenous people, sa parte ng mindanao ay mayroon paring mga sektor ng ips na hindi sang-ayon sa bagong batas

sa huling tala ng unicef, ang pilipinas ang isa sa may pinakamataas na child brides sa buong mundo na may 726,000 na kaso

sa ilalim ng batas, sinumang mag-papakasal ng isang menor edad ay maaaring makulong ng hanggang sampung taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa 40 thousand pesos.

tataas naman ang penalty ng hanggang labing-dalawang taong pagkakabilanggo at multang di bababa sa 50 thousand pesos kung ang lumabag ay magulang o guardian ng bata.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: