Pagbabawal sa paggamit sa sidewalks at public roads sa pagtitinda, mahigpit na ipapatupad sa buong bansa

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 2966

HOUSE
Pagmumultahin at maaaring makulong ang mga gagamit ng sidewalks o public roads bilang pwesto sa pagtitinda o sa kahit anomang negosyo.

Isinusulong sa Kongreso ang House Bill 5943 upang maiparating sa mga nagtitinda at gumagamit sa sidewalks bilang illegal transport terminals ang magiging mahigpit na implemenstasyon nito sakaling ito ay maisabatas.

Ayon kay 1st District Rep. Evelina Escudero, nagiging dahilan umano ng traffic congestion ang paggamit ng sidewalks at public roads upang kumita.

Nabanggit din ng kongresista ang nakasaad sa Civil Code of the Philippines na ikinokonsiderang abala ang anomang nakakabara o nakaharang sa mga public highways o mga kalsada na dapat daanan ng publiko at mga sasakyan.

Nakapaloob din dito na ang alkalde o barangay official ng isang lugar ang maaari lamang magkaloob ng applicant permit sa pansamantalang paggamit ng mga daanan at sidewalks sa tuwing may okasyon o anomang civic at charitable purposes sa isang lugar.

Maaaring mag- multa ng hindi hihigit sa P100,000 o makulong sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon ang sinomang hindi tutupad sa naturäng panukala kapat ito ay naisabatas na.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,