Pagbabantay o monitoring ng digital vote buying at selling pinaiigting – AMLC

by Radyo La Verdad | February 17, 2022 (Thursday) | 4513

METRO MANILA – Isa sa mga isyung hindi nawawala tuwing panahon ng eleksyon ang vote buying at vote selling.

At dahil usong-uso na ngayon ang digital transactions kung saan ang karamihan ay gumagamit na ng electronic money transfer.

Isa sa mahigpit na binabantayan ngayon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang posibleng paglaganap ng digital vote buying.

Ayon sa AMLC, may mga red flag indicator para malaman kung mayroong kahina-hinalang transaksyon sa mga bangko at iba pang money-issuer companies, kabilang na ang posibleng bentahan ng boto online.

Paliwanag ng AMLC, ilan sa mga palatandaan ng kaduda-dudang transaksyon ang single large cash deposit ang biglaang pagpasok ng malaking halaga sa isang bank account.

Bukod sa single large cash deposit, kahina-hinala rin kung masusundan pa ito ng multiple cash transfer at withdrawals.

Isa rin sa mga palatandaan, ay mga hindi magkakatugmang transactions at kung gumagamit ng multiple accounts ang isang account holder.

Ayon sa AMLC, agad nilang iimbestigahan ang bangko at money issuers sa oras na mayroong ma-detect na red flag sa isang transaksyon.

Kaugnay nito pinayuhan ng AMLC ang mga botante na ireport ang kahina-hinalang mga transaksyon online.

Nangako ang ahensya na agad nilang iimbestigahan ang ganitong mga reklamo at sa ngayon ay nakikipagugnyan na rin sila sa Comelec at sa Philippine National Police ukol sa digital vote buying at selling.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng Commission on Elections kung papano gagawing monitoring sa mga e-wallet system upang maiwasan ang digital vote buying.

Ayon sa Comelec, kailangan din ng kooperasyon ng mga online platform upang masiguro na hindi makakalusot ang ganitong bentahan ng boto.

Ayon sa Comelec, sa ilalim ng batas maaaring patawan ng 6 na taong pagkakakulong ang sinomang botante na mapatutunayang sangkot sa vote buying at selling.

Kaya naman iginiit ng komisyon na hindi dapat ipagpalit sa kahit anong bagay o halaga ang ating mga boto dahil nakakasalalay dito ang kinabukasan nating mga Pilipino.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: ,