Pagbabantay ng SAF sa NBP ng anim na buwan, pabor sa BuCor

by Radyo La Verdad | September 28, 2016 (Wednesday) | 1274

SAF
Simula ng magbantay ang mga tauhan ng Special Action Force sa building 14 ng New Bilibid Prison noong Hulyo.

Hirap ng makapasok ang mga gadget tulad nang celphone na itinatago pa sa iba’t-ibang mga gamit tulad ng tsinelas bangkito at cooler kung saan nakakulong ang mga high profile inmates.

Naging disiplinado rin umano ang mga tauhan ng NBP sa tulong na rin ng mga SAF.

Bunsod nito sinabi ng OIC ng BuCor na si Rolando Assuncion na malaking tulong para sa kanila ang anim na buwan pang pamamalagi ng SAF sa NBP.

Aminado rin si Assuncion na bukod sa problema sa kakulangan sa pasilidad at pondo problema rin ang iba nilang mga tauhan.

Umaasa ang OIC ng BuCor na sakaling maipatupad na ang modernization sa New Bilibid Prison ay tuluyan ng maaayos ang mga problema sa NBP.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,