Pagbabalik sa negotiating table ng pamahalaan at mga rebeldeng grupo, tinalakay sa unang araw ng exploratory talks sa Oslo, Norway

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1146

OSLO-NORWAY-01
Nagsimula na ang exploratory o informal talks sa pagitan ng incoming Government Peace Negotiating Panel at National Democratic Front of the Philippines o NDFP noong Martes sa Oslo, Norway.

Sa kanyang social media account ay iniulat ni incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza na ang unang isyung pinag-usapan ay ang pagpapatuloy ng formal peace negotiations na apat na taong nang nakabinbin.

Kapwa positibo ang pananaw ng magkabilang panig na malapit nang maisakatuparan ang pormal na pagbabalik sa negotiating table ng peace talks dahil sa deklarasyon ni President-Elect Rodrigo Duterte na pabilisin ang proseso nito.

Anumang magpakasunduan sa Oslo, Norway ay gagawing pormal pagka opisyal nang naitalaga bilang ika-16 na pangulo ng bansa si President-Elect Rodrigo Duterte.

(UNTV RADIO)

Tags: ,