Pagbabalik ng suplay ng kuryente sa ilan pang lugar sa Masbate, aabutin pa ng Biyernes

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1724

GERRY_KURYENTE
Naibalik na kahapon ang supply ng kuryente sa malaking bahagi ng lalawigan ng Masbate.

Ngunit dahil mahigit animnapung poste nang MASELCO ang nasira sa pananalasa ng bagyo sa bayan ng Aroroy, tinatayang sa Biyernes pa maibabalik ang supply ng kuryente dito.

Tumulong na din ang mga tauhan ng dmci na nagsisilbing power provider ng MASELCO sa pagsasagawa ng repair ng mga nasirang poste.

Samantala aabutin naman ng isang linggo bago tuluyang mahakot at malinis ang mga naiwang basura sa pananalasa ng bagyong nona sa syudad ng Masbate.

Ayon kay CEMRO Officer Alexander Albao tulong tulong na ang lahat ng kawani ng kanilang ahensya sa paghahakot ng basura.

Pitong trak ng basura naman ang gamit ng pamahalaang lungsod upang hakutin ang mga ito.

Nagtriple ang dami ng basurang hahakutin ng CENRO kumpara sa araw araw na kinokolekta na mga domestic waste sa syudad.

Kung dati mahigit dalawampung tonelada ng basura ang nakokolekta ngayon mahigit anunimnapung tonelada ang kanilang hinahakot dahil sa bagyong Nona.

Hinati sa dalawang schedule ang pagkuha ng basura.

Sa umaga ang mga domestic wasteang kinokolekta.

At tuwing hapon naman ay ang mga basurang dulot ng bagyong Nona.

Paalala ng CENRO na makipagkaisa ang mga residente sa paglabas ng kanilang mga basura at sumunod sagarbage collection schedule na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod upang maiwasan ang pagmulan ng pagkakasakit.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: ,