Pagbabalik ng kuryente sa nasa 50K na customer ng Meralco, puspusan na

by Radyo La Verdad | November 1, 2022 (Tuesday) | 9156

METRO MANILA – Tiniyak ng Meralco na puspusan ang kanilang pagtatrabaho upang maibalik ang kuryente sa mga lugar na nawalan dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng nitong weekend.

Higit 3 milyong customer ng Meralco ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Hapon ng Lunes (October 31), nasa 50,000 residente na lang ang walang kuryente.

Karamihan sa mga nakararanas ng power interruption ay mula sa  Cavite, Laguna, nalalabing bahagi ng Bulacan, Rizal, Metro Manila, Batangas, at Quezon.

Ayon sa National Electrification Administration posibleng ngayong Linggo maibalik na ang suplay ng kuryente.

Tags: