METRO MANILA – Isinusulong ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng mga klase.
Inihain ito ni Ilocos Sur First District Representative Ronald Singson ang House Bill Number 8508.
Para sa mambabatas bagaman mahirap na malaman ang panahon ngayon dahil sa climate change, mas mabuti pa rin aniya sa bansa ang dating shool calendar.
Kapag naibalik aniya sa dating schedule ang pagbubukas ng klase sa bansa, maiiwas na ang mga estudyante, mga guro at mga magulang sa hirap at panganib na dulot ng adverse weather condition kapag papasok sa paaralan.
Tags: Class Opening, June