Pagbabakuna vs. COVID-19, tuloy pa rin kahit tapos na ang State of Calamity – DOH

by Radyo La Verdad | January 9, 2023 (Monday) | 32451

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi maaapektuhan ang bakunahan kontra COVID-19 sa kabila ng nang pag-expire ng state of calamity sa bansa matapos itong hindi i-extend ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. nitong December 31, 2022.

Ayon kay Health Officer In Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon pang isang taon para magamit ang Emergency Use Authority sa mga bakuna kahit nag-lapse na ang state of calamity na nakasaad sa batas.

Nangangahulugan na maaari pang gamitin ang mga bakunang naitabi o natira.

Aniya, mayroong mahigit 17-M na bakuna ang bansa na nasa warehouse, at 6-M rito ang kasalukuyang naka-quarantine.

Patuloy na nananawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna na upang mabigyan ng proteksyon ang sarili mula sa mga bagong variants ng COVID-19.

(Gladys Toabi | UNTV News)

Tags: , ,