Pagbabakuna sa mahigit isang milyong estudyante kontra dengue, uumpisahan na sa Abril

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 1373

doh-facade
Uumpisahan na ng Department of Health sa susunod na buwan ang paghahanda sa lahat ng mga hakbang na gagawin para sa pagbabakuna ng mahigit isang milyong mga estudyante kontra dengue.

Enero ngayong taon ng ianunsyo ng DOH, na mahigit isang milyong estudyante sa grade 4 mula sa mga pampublikong eskwelahan sa NCR, Calabarzon at Central Luzon ang mabibigyan ng libreng bakuna kontra dengue.

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, sa Marso ay uumpisahan na nila ang pangangalap ng students masterlist upang matukoy ang mga pangalan ng mga batang babakunahan.

Kasama rin sa isasaayos ng ahensya, ang pagsasagawa ng orientation sa mga guro at magulang ng mga bata at maging ang proper distribution ng bakuna sa bawat eskwelahan.

Sa oras na makumpleto ang mga ito target ng DOH na umpisahan ang pagbabakuna sa mga grade 4 pupil sa huling linggo ng marso o sa unang linggo ng Abril.

Samantala, inanunsyo ngayon ng Sanofi Pasteur, ang pharmaceutical company na siyang nagdevelop at nag manufacture ng dengue vaccine, na simula ngayon araw ay available na Dengvaxia sa mga pribadong ospital.

December 2015, ng maaprubahan ng Food and Drug Administration at Department of Health dito sa Pilipinas ang lisensya ng dengue vaccine.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,