Pagbabakuna sa General Population at mga Bata posibleng simulan sa Oktubre – Pang. Duterte

by Erika Endraca | September 28, 2021 (Tuesday) | 1151

METRO MANILA – Batay sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi (September 27),umabot na sa 20.3 million na mga Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 as of September 27.

26.33% pa lamang ito sa kabuuang populasyon ng bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, posibleng mapalawig na ang bakunahan sa susunod na buwan at masimula na ang pagbabakuna sa mga bata.

“According to Secretary Galvez we will get a total of at least 100 million doses by the end of October which means maybe we can expand the vaccination program to the general population and hopefully also our children within October” ani Pres. Rodrigo Duterte

Muli namang nagpaalala si Pangulong Duterte sa mga ayaw pa ring magpakuna kontra COVID-19. Nagbanta ang punong ehekutibo na maaaring gamitin ang police power ng estado para mapilit na magpabakuna ang isang tao.

“But under the police power of the state everybody can be compelled to be vaccinated not because we don’t believed in your theory or belief or religion but because you are a carrier and a danger to society” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Nagbabala rin si Pangulong Duterte sa mga propesyonal na magingat sa kanilang sinasabi laban sa COVID-19 vaccines na maaaring makakumbinsi ng tao.

“if you are convincing in your arguments, people might listen to you and that could be a problem. Sana kung ganito na ayaw mo manahimik ka na lang” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte posibleng umabot pa ng hanggang 3 taon bago bumalik sa dating normal na pamumuhay ang bansa.

“We would not be able to return on norm mga ano pa siguro 2 to 3 years pero mga tao nandiyan ang bakuna magpapabuka kaagad magminimize and we can achieve herd immunity which is a long shot but we can attain it with the help of people and God help us, we can have steady supply of vaccines” ani Pres. Rodrigo Duterte.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: