Pagbabakuna kontra Polio sa Mindanao, palalawigin ng DOH hanggang sa December 13

by Erika Endraca | December 10, 2019 (Tuesday) | 6387

METRO MANILA – Natapos na ang mass immunization kontra Polio sa buong bansa noong December 7.

Nguni’t karamihan aniya sa mga lugar sa Mindanao ay hindi nakaabot sa 95% immunization threshold ng Department Of Health (DOH). Umabot lamang sa 93% ang immunization coverage sa buong rehiyon ng Mindanao.

Nakakuha lamang ang Region 9 ng 93.6%, 94% ang Region 10 , 94.6% ang Region 11 , sa Region 12 ay 88.5%, Caraga Region ay 93.2% at BARMM na may 96% immunization coverage nguni’t marami pa aniyang dapat mabakunahan na mga kabataan doon

Ayon kay Health Sec Francisco Duque III, tatagal pa hanggang Dec. 13 ang polio mass immunization sa Mindanao. Pangunahing dahilan ng set back sa pagbabakuna kontra Polio sa rehiyon ay kahirapan at gulo kaya mahirap marating ang ilang lugar.

“So we hope for a more effective coordination with the local government units, local health workers..” ani DOH Sec Francisco Duque III.

Kumpiyansa naman ang DOH na mapapataas ang immunization coverage ng Mindanao hanggang Dec. 13.

Samantala, lumabas sa ulat ng DOH na umabot naman sa 109% ang immunization coverage sa Nationcal Capital Region . Isa lamang ito sa mga rehiyong naapektuhan ng isyu ng “dengvaxia controversy”. Ayon pa sa kalihim, patunay ito na nanumbalik na ang tiwala ng publiko sa programang pagbabakuna ng pamahalaan.

“I think that people parents, mothers in particular have already finally realized the importance of immunization for the children and the immunization program of the DOH is effectively implemented with of course their cooperation and support.” ani DOH Sec Francisco Duque III.

Ilalabas ng DOH ang overall assessment sa isinagawang Polio Mass Immunization sa December 17 bilang resulta sa isinagawang pagsugpo sa polio outbreak sa bansa

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,