Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga nasa essential sector, nagsimula na

by Erika Endraca | May 3, 2021 (Monday) | 1656

METRO MANILA – Nakiisa sa symbolic inoculation ceremony ang nasa 5,000 manggagawa mula sa A4 priority group, na isinagawa sa Palacio De Maynila kasabay ng paggunita sa Labor Day.

Karamihan sa mga nabakunahan ng unang dose ng Sinovac vaccines ay mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa listahan na isinumite ng iba’t ibang sektor at grupo ng OFW.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, partikular dito ang mga aktibong myembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na may kabuuang kontribyusyon na $25-B kada taon.

“Noong nagpandemya, they contributed 30 Billion Dollars equivalent to 1.6 Trillion Pesos sa ating ekonomiya. Kaya nararapat lamang na ganitong pandemya at meron tayong programang pagbabakuna, mabibigyan sila ng priority.” ani DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Ayon naman sa kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kabilang din sa mga naunang nabakunahan ay ang mga local worker mula sa mga essential sector o ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Gaya ng mga sales personnel sa mga groceries at drugstore, drivers, security guards at ilan pang manggagawa mula sa Small and Medium Enterprise (SME).

“Bali, kumuha tayo dun sa mga sektor na allowed sa apor. Kasi sila na talaga yung susunod din. Yung mga customer facing na malaki yung exposure nila sa mga pagharap sa tao. So, yun po yung mga inuna.” ani DTI Sec. Ramon Lopez.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga manggagawang nabakunahan na kontra COVID-19.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: