Pagbabaklas ng libu-libong fishpen at fish cages sa Laguna Lake, sinimulan na

by Radyo La Verdad | August 10, 2016 (Wednesday) | 1392

laguna
Inumpisahan na ng Laguna Lake Development Authority O LLDA ang pagbabaklas ng nasa tatlong libong fishpen at fish cages sa lawa ng Laguna.

Ito ay alinsunod sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address na unahin ang kapakanan ng mga maliliit na mangingisda sa lawa.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa tatlumpu’t anim na porsyento ng supply ng isda sa Metro Manila ay nanggagaling sa Laguna Lake.

Ikinatuwa naman ng mga mangingisda ang ginawang pagbabaklas dahil mas lalawak na ang kanilang gagalawan at inaasahang madaragdagan na rin ang kanilang kinikita.

Mayroong mahigit labing dalawang libong ektaryang fishpen at fish cages ang laguna laka subalit nasa siyam na libo lamang ang carrying capacity nito

(Rey Pelayo/UNTV Radio)

Tags: ,