Pagbabago ng number coding scheme para masolusyunan ang problema ng traffic sa Metro Manila, pinag-aaralan ng MMDA

by Radyo La Verdad | June 27, 2017 (Tuesday) | 3045

Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ipatupad dalawang beses sa isang ng linggo ang number coding scheme.
Sa pagdinig ng House Committee on Transporation, sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim na layon nitong mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada sa Metro Manila, bilang sagot sa road congestion.
Aniya, nasa 30% kasi ng lahat ng registered vehicles sa buong bansa o katumbas ng 2.6 million na sasakyan ang nasa Metro Manila.
Ayon kay Lim, hindi na ito kakasya sa 5% na road network na nasa Metro Manila. Subalit iba-iba naman ang pananaw ng mga kababayan natin patungkol 2 araw na coding scheme kada linggo.
Hindi naman sumasang-ayon si Transportation Committee Chair na si Cong. Mel Sarmiento sa proposal ng MMDA. Aniya, maliban sa dagdag na imprastraktura, dapat ma-clear rin ng transportation agencies ang secondary roads para maiwasan ang bulto ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Ayon sa MMDA, libo-libo rin sa kanilang traffic auxiliaries ang hindi na pumapasok sa trabaho dahil tumatanggap ng maliit na halaga kada buwan, kung minsan ay wala pa.
Sinabi naman ng kinatawan ng Department of Budget ang Management o DBM na naroon sa pagdinig na tatalakayin nila ang problemang idinulog ng MMDA.

(Joyce Balancio/UNTV News Reporter)

Tags: ,