Pagbaba ng public trust rating ni Pangulong Duterte, hindi ikinabahala ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | October 11, 2016 (Tuesday) | 893

aga_trust-rating
Nanatiling mataas ang pagtitiwala ng mga Filipino sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa resulta ng pinakahuling Social Weather Stations o SWS survey.

Ayon sa Presidential Communications Office, bagama’t mas mababa sa positive 79 percent trust rating Hunyo, pasok pa rin ito sa kategoryang excellent at hindi dapat gawing batayan upang sabihin na nagbago ang pananalig ng publiko kay Pangulong Duterte.

Positive 76 percent ang nakuhang net trust rating ng pangulo sa kabila ng mga kritisismong tinatanggap ng administrasyon dahil sa kaniyang anti-drug campaign.

Ayon sa survey, walong put tatlo( 83%) porsyento ang nagsasabing may tiwala sila kay Pangulong Duterte, walong ( 8%) porsyento naman ang kakaunti lang ang tiwala samantalang siyam na porsyento ang hindi makapagdesisyon hinggil sa isyu.

Partikular na bumaba ang pagtitiwala kay Pangulong Duterte sa mga taga Luzon, Class E at mga nakapagtapos o hindi nakapagtapos ng elementarya.

Mas mataas pa rin ang nakuha ni Pangulong Duterte kumpara kay dating Pangulong Aquino na nakakuha lamang ng positive 67 percent o very good public trust rating noong September 4 hanggang 7, 2010.

Kinuha ang survey mula sa 1,200 respondents sa buong bansa mula September 24 hanggang 27, 2016.

Ayon sa Malakanyang, dahil sa ipinapakitang pagtitiwala ng taong bayan, lalo pang pagbubutihin ng Administrasyong Duterte, ang pamamahala sa bansa, partikualr ang pagsugpo sa ilegal na droga, kurapsyon at papapataas ng antas ng ekonomiya.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: ,