Batid naman ng Commission on Higher Education na magkakaroon ng multi-year low enrollment sa kolehiyo ngayong pasukan dahil sa K to 12.
Sa ulat ng CHED, partikular na nabawasan ang first year college enrollees sa Western Visayas na nasa 119,000 na lang ngayon kumpara sa 243,000 noong school year 2015 to 2016.
Bumaba rin ang bilang ng mga nag-aaply ng scholarship program na umabot lamang sa 400 ngayon kumpara sa dating 3,000 applicants.
Iniulat din ng CHED na posibleng magpatupad ng tuition hike ngayong pasukan ang walong colleges and Universities sa Western Visayas upang madagdagan ang sweldo ng mga guro at non-teaching staff.
(UNTV NEWS)