Pagbaba ng bilang ng mahihirap at walang trabaho sa susunod na taon, wala pa ring katiyakan — Civil Society Groups

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 4485

RODERIC_Briones
Positibo ang pananaw ng karamihang Pilipino sa darating na taong 2016.

Sa pinakahuling survery ng Pulse Asia, halos siyam sa bawat sampung Pilipino ang umaasang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na taon.

Inaasahan namang lalago ng mula pito hanggang mahigit walong porsyento ang ekonomiya o Gross Domestic Product ng Pilipinas sa 2016.

Ngunit ayon sa Social Watch Philippines, walang katiyakan na magbubunga ito ng pagbaba sa bilang ng mahihirap at walang trabaho.

Ito’y dahil ang inaasahang pagsipa sa GDP ng bansa ay dala lamang ng paparating na halalan.

Paliwanag ni Briones, totoong may malilikhang trabaho dahil sa election spending o paggugol kaugnay ng halalan sa mayo ngunit magiging panadalian lamang ito.

Halimbawa nito ang kaliwa’t kanang kontruksyon o pagpapagawa ng kalsada.

May panandaliang trabaho ring maibibigay dahil sa pangangampanya ng mga kandidato gaya ng mga taga bigay ng polyeto at taga dikit ng mga streamer at tarpaulin.

Kayat payo nito sa mga boboto, maging matalino sa pagpili ng kandidato.

Mahalagang suriin ang isinusulong na programa at kung ano ang magagawa at gagawin ng mga kandidato kapag nailuklok na sila sa pwesto.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,

Bilang ng mga walang trabaho, nabawasan – SWS survey

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 7362

Mula 18.9 percent noong September 2017, bumaba ng higit tatlong puntos ang adult joblessness rate o bilang ng mga walang hanap-buhay sa bansa, katumbas ito ng 7. 2 million jobless adults.

Ayon ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa noong December 2017, ito na ang pinakamababang joblessness rate na naitala mula March 2004.

Binubuo ang mga ito ng mga umalis sa kanilang hanap-buhay, pinaalis sa kanilang trabaho o kaya ay mga first-time job seekers.

Bukod dito, mas dumami rin ang bilang mga Pilipinong naniniwala na dadami pa ang trabaho na maaaring pasukan sa mga susunod na buwan.

Paniwala ng ilan nating mga kababayan, hindi naman mahirap maghanap ng trabaho, lalo na kung di naman mapili ang isang aplikante.

Ayon sa Malakanyang, inaasahang mas dadami pa ang job opportunities sa bansa oras na maipatupad ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion na magpapaigting sa infrastracture projects ng pamahalaan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Bilang ng mga walang trabaho, bumaba sa nakalipas na 2015 ayon sa SWS Survey

by Radyo La Verdad | February 10, 2016 (Wednesday) | 5245

CROWD
Naitala noong 2015 ng SWS ang pinakamababang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa loob ng labing isang taon.

Sa kabuuan ng taong 2015, bumaba sa annual average na 21 point nine percent mula 25 point four percent ang bilang ng mga walang trabaho base sa survey ng SWS.

Para naman sa fourth quarter ng 2015, sa 42 point six million na pilipinong may kakayahang magtrabaho, 21 point four percent o nine point one million ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho.

Mas mababa sa sampung milyong pilipinong walang trabaho noong September ng kaparehong taon, at 27 percent noong december 2014.

Sa bilang na ito ng mga walang trabaho, four point one million ang mga nagresign, three point four million ang tinanggal sa trabaho, at one point five naman ang mga first time job seekers.

Isinagawa ang survey noong ika lima hanggang ika walo ng Desyembre 2015 sa isang libo at dalawang daang respondents.

Lumabas din sa survey na tumaas sa 45 percent ang bilang ng mga pilipinong naniniwalang magkakaroon ng mas maraming job openings sa susunod na labing dalawang buwan.

27 percent naman ang nagsabing mananatili ang mga ito sa kanilang kasulukuyang trabaho habang 16 percent ang nagsabing mas kaunti ang bilang ng trabahong magagawa sa mga susunod na buwan.

Dahil dito, naitala ang plus 29 o high net optimism on job availability para sa fourth quarter ng nakalipas na taon, mas mataas sa plus 13 o fair net optimism noong september ng 2015.

Ikinatuwa naman ng Malacanang ang latest survey results.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma JR, patunay ito na may positibong epekto ang mga ginagawa ng pamahalaan upang magkaroon ng trabaho ang mga pilipino.

Sinabi rin ni Coloma na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programa tulad ng skills training, skills matching , at pagpopromote ng pamumuhunan para sa industry expansion.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,

Tumaas pa ang bilang ng mga naputukuan sa Bicol Region ilang oras matapos ang pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 4261

allan_tumaas
Nadagdagan nga ang bilang ng mga naputukan sa Bicol Regional ayon sa ulat ng Department of Health Region V.

Dalawa na ang naitalang firecracker related injuries sa Catandunaes mula sa Brgy. Pacogon, San Miguel at sa Brgy. Yocpi, San Andres.

Umakyat naman sa labing apat ang biktima ng paputok sa Camarines Sur.

Sa kabuuan may 54 nang naitala ang DOH Region 5 na mga biktima ng paputok sa buong Bicol.

Samantala isang lalaki naman ang isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital matapos umanong tagain ng kainuman nito sa isang beer house sa Brgy. Baybay, Malinao, Albay.

Kinilala ang biktima na si Ryan Cherva, 37 taong gulang.

Ayon sa mga kaanak ibinalita na lamang umano sa kanila ng PNP Malinao na sugatan si Ryan sa kamay dulot ng pananaga.

Sa ngayon nga ay nakararanas ng pagbuhos ng malakas na ulan ang buong Albay.

Habang nagiwan naman ng maraming kalat sa daan ang pagsalubong ng taong 2016 dahil sa mga ginamit na paputok at pagkain.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,

More News