Pagasa Weather Station sa Zamboanga Peninsula, magkakaroon na ng doppler radar

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 2928

DOPPLAR
Simula sa susunod na buwan ay magkakaroon na ng doppler radar system ang Pagasa Weather Station sa Zamboanga City.

Inaasahang sa unang bahagi ng 2016 ay magagamit na ito upang mabantayan ang lagay ng panahon sa Southwestern Mindanao, lalo na sa mga lugar na madalas ulanin at bahain.

Makatutulong rin ito sa pagbibigay ng babala sa pagbiyahe ng mga eroplano at mga barko kapag masama ang lagay ng panahon, partikular na sa bahagi ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi at buong Peninsula Region.

Makatutulong rin ang doppler radar sa maayos na pagsasagawa ng cloud seeding operation ng Department of Agriculture sa gitna ng inaasahang pagtindi ng epekto ng el nino phenomenon.

Ikinatuwa ng Pagasa sa Zamboanga City ang pagkakaroon nila ng doppler radar upang makakuha ng mas mabilis at mas accurate na weather report lalo’t luma na karamihan sa kanilang mga gamit.

Nag-training na rin ang kanilang mga tauhan sa bansang Finland hinggil sa paggamit ng nasabing weather equipment.

Ang itatayong doppler radar ay magiging pangatlo sa bilang ng mga itinayo sa mindanao na nasa bahagi ng hinatuan at tampakan sa Davao City. (Dante Amento/UNTV News)

Tags: , ,