PAGASA Weather report (issued at 5:00am, March 13, 2015)

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 1836

WEATHER031315

Ang Metro Manila at ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, Cordillera at Gitnang Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa kung minsan ay maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahinang pag-ulan. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang hilagang-silangan ang iiral sa hilagang luzon at mula naman sa hilagang-silangan ang iihip sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluuan ay magiging banayad hanggang katamtaman ang pag-alon.

Tags: ,