Lalo pang iinit sa Pilipinas habang papalapit ang summer season lalo pa’t inaasahang hihina na ang amihan pagsapit sa kalagitnaan ng Marso.
Dito na rin papasok ang easterlies na hudyat ng pag-uumpisa ng summer season.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaaring pumalo sa 40°C ang aktuwal na temperatura sa mga susunod na araw.
Ang mahabang pagkababad sa matinding init ay maaaring maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mag-resulta sa heat stroke.
Ngayong araw ay tinatayang mararamdaman ang pinakamainit na heat index sa Metro Manila na aabot sa 35.8 degrees Celsius.