METRO MANILA – Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng La niña watch advisory dahil sa mataas na posibilidad na madevelop ito sa buwan ng unyo
Pero paliwanag ng Weather State Bureau, ang epekto ng La niña ay aasahan pa sa huling mga buwan ngayong taon.
Bagamat humihina ang super El niño, inaasahan na maaari pa rin itong tumagal hanggang sa buwan ng Mayo.
Kaya naman asahan na anila ang lalo pang epekto ng tag-tuyot sa mga susunod na buwan, lalo’t patungo na tayo sa mga buwan kung saan mas mainit ang temperatura tuwing Marso, Abril at Mayo.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na paghandaan ang epekto ng mainit at maalinsangan na panahon na pina-igting ng El niño phenomenon.
Sa ngayon ay nararamdaman na ang epekto ng matinding tag-tuyot sa ilang mga lugar sa bansa.
Patuloy ang PAGASA sa pagbabatay sa posibleng mga pagbabago sa klima sa bansa maging sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya na tutugon sa magiging epekto ng mga weather phenomenon.