METRO MANILA -Pagtuntong ng Mayo ay sunod-sunod ang mas matataas na temperatura na naitatala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang pinakamataas na naitala sa taon ito ay sa Tuguegarao City noong may 4 na umabot sa 40’c.
Ilan pa sa matataas ding temperatura na naitala ay sa Calapan, Orriental Mindoro; San Jose City, Occidental Mindoro; CLSU Sa Muñoz, Nueva Ecija at sa Cotabato City sa Maguindanao.
Pero ang mas delikado ang ang mataas ng heat index o alinsangang nararamdaman sa katawan.
May mga lugar na lampas pa sa 50’c ang heat index gaya sa san jose city, Occidental Mindoro noong April 20 na umabot sa 58’c.
Sa ganito kataas na heat index, mas malaki ang posibilidad ng insidente ng heat stroke.
Ayon sa PAGASA, bumabalik ang singaw ng lupa dahil hindi makalusot sa maulap na papawirin.
“Whereas kung hindi siya cloudy yung init ng lupa derederetso lang palabras” ani DOST-PAGASA Weather specialist Sam Duran.
Ayon sa pagasa, hanggang sa katapusin pa ng mayo o posibleng umabot pa ng hundyo ang init ng panahon kung saan mas mahaba ang oras sa araw kesa sa gabi.
Nangangahulugan ito na mas maraming oras na naka-expose o nakabilad ang Pilipinas.
Payo ng mga experto, uminom ng sapat na dami ng tubig para mapalitan ang mga inilalabas na pawis ng katawan.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: DOST- PAGASA, tag-init