PAGASA, idineklara na ang pagsisimula ng Amihan season

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 4686

Asahan ang malamig na panahon sa mga susunod na araw. Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pag-iral ng Northeast monsoon o Amihan.

Noong nakaraang October 12, idineklara naman ng PAGASA ang pagtatapos ng Southwest moonsoon o hanging habagat.

Dahil dito, ang hanging muna sa Northwest ay inaasahang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa na magdadala ng malamig at tuyong hangin.

Pangunahing makararanas ng malamig na hangin ang mga probinsya ng Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera.

Tags: , ,