Ang tropical depression “BETTY” ay tinatayang nasa 1,190 km East ng Casiguran, Aurora na may lakas ng hangin na nasa 55 kilometers per hour (kph). Tinatayang papunta ito sa direksyong West NorthWest sa bilis na 17 kph. Kasalukuyan ngayong apektado ng ridge of high pressure ang rehiyon ng Northern Luzon.
Samantala, ang buong bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa kung minsan ay maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang sa silangan ang iiral sa silangang bahagi ng Luzon. Ang mga baybaying dagat sa lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman ang iihip mula sa hilagang-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Maximum Temperature: 3:00 PM Yesterday — 32.3°C
Minimum Temperature: 6:00 AM Yesterday — 19.2°C
Maximum Relative Humidity: 6:45 AM Yesterday — 79 %
Minimum Relative Humidity: 3:00 PM Yesterday — 31 %
High Tide Today: 10:00 AM …… 0.41 Meter
Low Tide Today: 12:57 PM …… 0.34 Meter
High Tide Today: 8:25 PM …… 0.98 Meter
Low Tide Tomorrow: 4:06 AM …… -0.06 Meter
Sunrise Today : 6:02 AM
Sunset Today : 6:07 PM