PAGASA – Bagyong “Chedeng” papalapit na sa Isabela – Aurora area

by dennis | April 4, 2015 (Saturday) | 1787

CHEDENG MAHINA

CHEDENG SATELLITE MAHINA

Mas humina pa ang tropical storm Chedeng habang papalapit ng eastern coast ng Isabela-Aurora area

Kaninang 10:00 ng gabi, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 220km timog-silangan ng Casiguran, Aurora.

May taglay itong lakas ng hangin na hanggang 95kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 120kph.

Gumagalaw ito sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20kph.

Tinatayang maglalabas ng mula katamtaman hanggang mabigat na buhos na ulan sa loob ng 120km radius ng bagyo.

Inaasahan itong maglandfall sa Isabela-Aurora area bukas ng umaga, Abril 5 at lalabas ito ng kalupaan sa Ilocos Sur Linggo ng hapon at tuluyan itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility Lunes ng umaga, Abril 6.

Nagpaalala pa rin ang PAGASA sa mga residenteng nasa lugar na may storm signal warning na magingat sa banta ng flashflood at landslide habang pinaalalahan din ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa northern seaboard ng Luzon at eastern seaboard ng Bicol region.

Signal #2 – Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Mt. Province, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Ilocos Norte at Ifugao.

Signal #1 Catanduanes, Camarines Norte, Polillo Island, Nueva Ecija, Pangasinan, Cagayan and Apayao

Tags: , , , ,