Pag-uwi sa Pilipinas, pinag-aaralan pa ni Joma Sison

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 1334

ROSALIE_SISON
Pinag-aaralan pa ang kampo ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison ang posibleng pagbabalik sa Pilipinas.

Sinabi ni Sison na tini-tingnan pa ng kanyang mga abugado ang legal implications at consequences nito bilang recognized political refugee.

“Pinag-aaralan po ng aking mga abugado at pagkatapos ay hihingi kami ng mga request kay Pres. Duterte at mga kinauukulang gobyerno dito sa Europe.” Pahayag ni Sison.

Si Joma Sison ay kasalukuyang nagtatamasa ng legal protection ng European convention on human rights at Geneva refugee convention.

(UNTV RADIO)

Tags: