Pag-uuwi sa bansa ng mga labi ng 13 Pilipinong nasawi sa sunog sa Iraq, inaasikaso na ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1463
Erbin, Iraq(REUTERS)
Erbin, Iraq(REUTERS)

Kinilala na ang labing tatlong Pilipino na nasawi sa sunog sa capitol hotel sa Erbin, Iraq noong Biyernes.

Ayon kay Philippine Charge d’Affaires to Iraq Elmer Gozun Cato, nakikipag ugnayan na sila sa pamilya ng mga nasawi.

Inaasikaso na sa ngayon ng DFA sa tulong ng United Nations para mai-uwi sa Pilipinas ang mga nasawing OFW.

Batay sa imbestigasyon ng Kurdistan Regional Government, faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog at walang kaugnayan sa terorismo.

Nag-umpisa ang sunog sa basement ng capitol hotel.

Tags: , , , ,