Pag-uumpisa ng local campaign period, pinaghahandaan ng PNP

by Radyo La Verdad | March 9, 2022 (Wednesday) | 44665

Mahigpit ang gagawing pagbabantay ng Philippine National Police sa seguridad ng pagsisimula ng local campaign period sa March 25.

Ayon kay PNP spokesperson PCOL. Jean Fajardo, magdaragdag sila ng tauhan sa ground lalo na sa mga lugar na mayroong presensya ng mga terrorist group para masiguro ang peace and order sa  kampanya ng mga lokal na kandidato.

“Nakalatag na po at in place na po ang ating security coverage, minor adjustments na lang po yan lalong lalo na po yung nabanggit ko na campaign period  para sa local po , magdagdag po tayo ng tao lalong lalo na po sa campaign sorties ng mga local candidates,” ani ni PCOL. Jean Fajardo

Spokesperson, PNP.

Nagbabala din ang PNP sa mga kandidato na kukuha ng private armed groups para mangharass ng mga kalabang kandidato.

“On the part of the PNP we are continuously conducting police operation and operational research to determine and identify yung mga politiko po na mayroon pa rin pong itinatago po na mga private armed groups. At bago po magsimula itong local campaign period sa march 25 ay mas lalo pong paiigtingin ng PNP yung kanilang kampanya laban po sa mga private armed groups,” dagdag ni PCOL. Jean Fajardo.

Nagsasagawa na rin ng monitoring ang PNP sa mga pulitiko na makikipagsabwatan sa mga sindikato ng ilegal na droga para sa tulong pinansyal sa kanilang pangangampanya.

Babala ni Col. Fajardo, kakasuhan din ng pnp ang kandidatong mahuhuling nagbabayad ng permit to campaign at permit to win sa new peoples army (NPA).

Lea Ylagan | UNTV News

Tags: ,