Pag-upgrade sa serbisyo ng mga taxi, inirekomenda ng LTFRB

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2454


Naglabas ng kanilang sentimiento ang ilang grupo ng mga taxi driver sa opisyal ng LTFRB hinggil sa kasalukuyang problema sa kanilang operasyon.

Ayon sa grupo, lubhang apektado na ang kanilang kinikita sa araw-araw dahil sa matinding kompetisyon laban sa uber at grab.

Katwiran pa ng mga ito, hindi sila dapat na sisihin kung may mga pagkakataon na tumatanggi sila sa mga pasahero, at may mga instansya na humihingi ng dagdag na pamasahe.

Ayon sa LTFRB, nauunawaan nila ang hinaing ng mga driver at operator. Subalit napapanahon na rin anila na i-angat ng mga ito ang sistema sa operasyon ng mga taxi, upang muli itong tangkilin ng mga pasahero.

Bukas naman sa panukalang ito ang mga taxi driver, subalit umapela sa LTFRB ng patas na pagtrato sa kanilang grupo.

Itinanggi naman ng LTFRB, na mas pinapaboran nila ang interest ng uber at grab kaysa sa mga taxi.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,