Pag-review ng K-12 program, dapat madaliin ng DepEd – Teachers’ Group

by Radyo La Verdad | July 22, 2022 (Friday) | 922

METRO MANILA – Hindi dapat tanggalin ang umiiral na K-12 program ayon sa isang Teachers’ Group.

Sa halip, dapat lamang itong repasuhin at tignang mabuti kung ano ang mga dapat baguhin na aakma at makatutulong para maging epektibo ang programa sa mga kabataan ngayon.

Ayon pa sa grupong Teachers’ Dignity coalition, dapat nang madaliin ang pag-review ng DepEd sa K-12 program.

“10 years na ito e, 10 years na nating ginagamit yung system ng K-12 tapos marami tayong pinagdaan kung isang dekada na yung policy mo kailangan na talaga i-review at dapat i-review na ito ng immediate.” ani Teachers’ Dignity Coalition Benjo Bosas.

Una nang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, na natapos na ng DepEd na i-review ang curriculum ng Kinder hanggang Grade 10 habang isusunod narin nito ang Grade 11 at 12.

“Nautos ko na po verbally sa loob ng Department of Education ang review ng Grades 11-12, hindi agad yan matatapos within the next month, unahin na po nating tingnan yung review ng Kinder to Grade 10 para po masimulan natin kase ito din po ang isa sa mga directives ng ating pangulo a review of K-12 curriculum.” ani DepEd Secretary Vice President Sara Duterte

(Janice Ingente | UNTV News)