Ipagpapatuloy pa rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-phase out sa mga “for hire” na truck edad 15 taon pataas.
Ayon sa LTFRB, matagal na nila pinagbibigyan ang mga truck operators dahil noong 2012 pa lamang ay ipinapatupad na nila ang pag-phase out subalit pinagbibigyan pa rin ang mga truck na lampas na sa 15 taon na makapagparehistro sa huling pagkakataon.
Kinukwestyon ng truck operators kung bakit hindi sakop ang mga private trucks sa sa naturang kautusan. Pero ayon kay LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez hindi saklaw ng LTFRB ang mga truck na pagmamayari ng mga pribadong kompanya.
Anya, patuloy ang paguusap na ginagawa ng LTFRB kaugnay sa hiling ng mga operators na road worthiness na lang ang gawing basehan at hindi ang year model ng mga truck.
Samantala, ang mga bumabyaheng hindi rehistradong truck na mahuhuling lagpas sa labing limang taon ay papatawan ng P200,000 na multa