METRO MANILA – Posibleng isa sa pinakamatindi ang umiiral ng El Niño ngayon.
Ayon sa PAGASA, tinatawag nila itong super El Niño dahil sa mabilis ang pagtaas ng temperatura ng dagat pasipiko.
Ayon sa PAGASA, maaaring tumagal ng isang taon bago humupa ang epekto ng super El Niño.
Bago sumapit ang taong 2000 ay tuwing ika- 10 hanggang ika-15 taon bago maulit ang pag-iral ng matitinding El niño.
Pero ayon sa PAGASA, sa ngayon ay umikli na ito sa 5 hanggang 7 taon na lang.
Sa ngayon ay bumubuo na ng national El niño plat form ang gobyerno.
Dito ilalagay ang lahat ng datos o impormsyon na kailangan sa pagpaplano para tugunan ang epekto ng El Niño sa bansa.
(Rey Pelayo | UNTV News)