METRO MANILA – Posibleng umabot sa pinakamataas na yugto ang umiiral na El Niño ngayon.
Ayon sa PAGASA, naguumpisa nang maramdaman ang epekto nito sa bansa kung saan may mga lugar na bawas ng dami ng ulang nararanasan kumpara sa mga taong walang El Niño.
Pero sa unang bahagi ng 2024 ay mas matindi pa ang posibleng maranasang tag-tuyot.
Ayon sa PAGASA, magagamit parin naman mga damit na pang-ginaw dahil sa pag-iral ng amihan pero di gaanoong kalamigan ang panahon.
Bago matapos ang taon ay nasa 4 o 5 na bagyo pa ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Water Resources Management Office, sa ngayon ay wala pang problema sa supply ng tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
(Rey Pelayo | UNTV News)