Bagaman nakauwi na ng bansa ang itinuturong kanang kamay ni Jack Lam na si retired Police Senior Superintendent Wally Sombero, hindi pa muna ito humarap sa Senado ngayong araw sa kabila ng mga banta sa kanya ng Blue Ribbon Committee dahil sa hindi pagsipot sa mga nakaraang pagdinig.
Ipinaliwinag ni Sen. Richard ordon na hindi na niya itinuloy ang pagpapacite in contempt kay Sombero matapos malaman na dadalo na ito sa pagdinig sa Huwebes.
Sinabi ni Sombero kanina sa isang press conference sa Quezon City na maaaring hindi niya sagutin ang mga tanong sa senado at i-invoke niya ang kanyang right against self-incrimination.
Ngunit ayon kay Sen.Gordon maaaring hindi ito umubra lalo na’t marami nang inihayag si Sombreo sa publiko, kabilang na ang paabswelto niya kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa anomang pananagutan sa 50 million bribery scandal sa Bureau of Immigration.
Inamin naman ni sen. Manny pacquiao na humihingi ng tulong at proteksyon sa kanya si sombero dahil sa mga natatanggap ng banta sa buhay.
Aniya, mahigit siyam na taon na niyang kaibigan si Sombero na nakilala niya noon sa casino.
Para naman matiyak ang seguridad ni Sombero, bibigyan siya ng assistance at escort mula sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms.
Umaasa naman ang mga senador na kapag nagharap-harap na sina Wally Sombero, at dating Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles, mabibigyang linaw na ang isyu ng suhulan sa immigration.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: hindi pahihintulutan ni Sen. Richard Gordon, Pag-invoke ni Wally Sombero ng right against self-incrimination sa pagding ng Senado