Pag-imprenta ng balota, tuloy na sa Pebrero 8

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 5247

BALLOT-PRINTING
Hindi na mahihintay ng Commission on Elections (Comelec) ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa ruling sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe bago pasimulan ang pag-iimprenta ng mga balota.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, tuloy na ang pag-imprenta ng mga balota sa Pebrero 8. Aabot sa 50 milyon ang paunang balota na iimprenta.

Ayon ka Chairman Bautista, tatlong beses nang nagtakda ang Comelec ng petsa ng printing ng balota para lamang hintayin ang Korte Suprema ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang kataas-taasang hukuman.

Sinabi ni Bautista na bagama’t gusto nilang hintayin muna ang desisyon ng SC, baka magahol na sila sa oras at magka-aberya pa ang halalan.

Tags: , ,