Pag imprenta ng balota muling ipinagpaliban ng COMELEC

by Radyo La Verdad | February 9, 2016 (Tuesday) | 2121

BALLOTS
Sa ikatlong pagkakataon ipinagpaliban ng Commission on Elections ang pag imprenta sa mga balota.

Ngayong lunes sana nakatakdang umpisahan ang printing ng officials ballots subalit iniurong sa susunod na linggo dahil kailangang i modify ang source code ng Election Management System o EMS na siyang gumagawa ng ballot faces o itsura ng iimprentang mga balota.

Paliwanag ng COMELEC nakitahan ng problema ang source code ng Canvassing and Consolidation System o CCS kaya kailangan ding i modify ang EMS code.

“Ang problema we had to change something in the CCS kasi gumagana lang yung transmission niya pag nakakabit yung network kagaya si EMS which is hindi dapat kasi stand alone yun diba, yung nga transmissions. So pagbinago mo yung CCS hindi na siya compatible with EMS mayroon kang problema kasi shared code lang sila.” Pahayag ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim

Ngayong lunes tatapusin ng COMELEC at SLI Global Solutions ang final trusted build code ng EMS, CCS at maging ng mga Vote Counting Machines o VCM.

Dahil naman sa panibagong delay, bukod sa ballot printing apketado rin ang timeline ng COMELEC sa configuration ng mga makina pati ang deployment ng mga ito sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Commissioner Christian Robert Lim kung hindi makararating sa tamang oras ang mga makina maaring ma- postpone ang halalan sa ibang lugar sa bansa.

Ngunit ayon kay Senator Koko Pimentel kakayanin naman ng COMELEC na maihanda ang pagdaraos ng automated polls subalit hindi lamang matiyak kung maisagawa ito sa buong bansa

Idinagdag pa ni Pimentel na malaki na rin ang nabawas sa buffer time ng poll body.

Kumpyansa naman si COMELEC Chairman Andres Bautista na kahit delayed na ang printing ng mga balota, tulad ng naunang plano ay matatapos ito sa huling linggo ng Abril.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,